Ang pagsasabatas sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ay isang malaking hakbang patungo sa mas maunlad na agrikultura ng bansa kung kaya’t kami ay nagpapasalamat kay President Ferdinand Marcos Jr. Nagpasalamat din ang Pangulo sa akin at sa mga kasamahan ko sa Senado para sa pagsusulong ng batas na ito. Batid namin ang malaking tulong nito para sa bawat magsasakang Pilipino.
Sa aming probinsya ng Antique, tayo ay bumuo ng iba’t ibang proyekto para sa ating mga kasimanwa, katuwang ang aking kapatid na si Cong. AA Legarda, upang mapanatili at payabungin ang ani ng mga magsasaka. Kabilang dito ang iba’t ibang livelihood programs, pagpapautang, pagbibigay ng kagamitang pang-ani, at pagtatatag ng Rice Competitiveness Enhancement Fund na makatutulong sa panahon ng mga hindi inaasahang pangyayari.
Nagpahayag ng kanyang suporta si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel sa mga magsasaka sa probinsya namin sa Antique. Tayo ay nagpapasalamat sa kanya at sa DA para rito at sa mga ongoing assistance ng ahensiya para sa aming probinsya. Ito po ay mabuting balita para sa aking mga kasimanwa dahil lalong gaganda ang ani at lalaki ang kita ng mga magsasaka, at patuloy na mapapabilang ang Antique sa top producers ng bigas sa rehiyon.
Sa ceremonial signing sa Malacañang noong Huwebes, nagagalak akong makausap si House Speaker Martin Romualdez na nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa aking kapatid na si Cong. AA Legarda.
Nagpapasalamat ako kay Speaker Romualdez para sa mga makabuluhang batas na isinusulong ng House of Representatives para sa kabutihan at kaayusan ng pamumuhay ng ating mga kababayan.