Inauguration of the UP Visayas Extension Campus in Antique

Standing as a testament to our collective commitment, today, the University of the Philippines Antique Extension Campus is inaugurated.

Together with the Island of Panay, Antique’s journey towards progress is marked by significant achievements, including job creation, improved healthcare, and enhanced infrastructure. This milestone not only expands educational accessibility but also champions the preservation of our rich cultural heritage.

In this moment of gratitude, I extend my heartfelt thanks to the dedicated individuals and organizations who have contributed to these achievements: to the Bautista Family, for the generous donation of your property in Nauring, Pandan where the campus is established; to UP Visayas Chancellor Dr. Clement Camposano and former Chancellor Dr. Ricardo Babaran, as well as UP President Angelo Jimenez and former President Danilo Concepcion, for bringing UP closer to the students of Antique and our neighboring provinces; and to the local academic institutions, LGUs, and all partners, for your collaboration and support.

With our continued dedication, together with Congressman AA Legarda, we will ensure that UP Visayas Antique will shine as a beacon of education and progress for our province and beyond! ?

—-

Bilang tanda ng ating sama-samang pagpapahalaga, ngayon, ipinagdiriwang natin ang inaugurasyon ng Antique Extension Campus ng Unibersidad ng Pilipinas.

Kasama ang Isla ng Panay, ang paglalakbay ng Antique tungo sa kaunlaran ay puno ng mahahalagang tagumpay, kabilang ang paglikha ng trabaho, pagpapabuti sa kalusugan, at pagsusulong ng imprastruktura. Ang yugtong ito ay hindi lamang nagpapalawig ng pagkakataon sa edukasyon kundi nagtataguyod din ng pangangalaga sa ating mayamang pamana sa kultura.

Sa sandaling ito ng pasasalamat, buong pusong pinararangalan ko ang mga taong naglaan ng kanilang dedikasyon at ang mga organisasyong sumuporta sa mga tagumpay na ito: sa Pamilya Bautista, sa inyong malugod na donasyon ng lupa sa Nauring, Pandan kung saan itinatag ang paaralan; kay UP Visayas Chancellor Dr. Clement Camposano at dating Chancellor na si Dr. Ricardo Babaran, pati na rin kay UP President Angelo Jimenez at dating Presidente Danilo Concepcion, sa inyong pagsusulong upang mailapit ang UP sa mga mag-aaral ng Antique at karatig-probinsya; at sa mga lokal na institusyon ng edukasyon, LGUs, at lahat ng mga katuwang, sa inyong pakikipagtulungan at suporta.

Sa patuloy na dedikasyon kasama ni Congressman AA Legarda, ating titiyakin na ang UP Visayas Antique ay magiging ilaw ng edukasyon at kaunlaran para sa ating lalawigan at sa buong rehiyon! ?