Bukas na ang Nasuli-Vilvar Bridge para sa ating mga kasimanwa sa San Remigio, Antique!
Kasama si Mayor Mar Mission at iba pang opisyales sa bayan ng San Remigio at ang DPWH, pinasinayaan natin ang opisyal na pagbubukas ng kauna-unahang tulay sa loob ng 160 taon na kasaysayan ng San Remigio para sa publiko! Ito ay magdudugtong sa mga Barangay ng Baladjay, Vilvar, Magdalena, General Luna, Carmelo I at II, at Cariwasan I at II sa town proper sa pamamagitan ng Barangay Nasuli.
Taong 2008, sa kasagsagan ng Typhoon Frank, marami ang natangay at nasawi dahil sa rumaragasang baha sa ilog. Madalas ay binabaybay ng mga residente ang ilog gamit ang maliliit na bangka at balsa sa pagpasok sa eskwelahan at iba pang lakad na lubhang delikado lalo na kapag may bagyo. Ngunit ngayon, mas ligtas na ang transportasyon at mas mapauunlad ang kalakal at kabuhayan sa San Remigio.
Ako’y lubos na natutuwa para sa aking mga kasimanwa. Mas lalo pa tayong magsusumikap upang masiguro ang tuluy-tuloy na pag-unlad sa ating minamahal na probinsya ng Antique.