Ikinagagalak kong maging bahagi ng ika-125 Anibersaryo ng pagbubukas ng Malolos Congress sa makasaysayang lugar ng Barasoain Church.
Ang pagdiriwang na ito ay malapit sa aking puso sapagkat ang aking lolo sa tuhod, lolo ng aking ina, na si Ariston Gella, at siya ring pinakaunang parmasyutiko ng probinsya ng Antique, ay isa sa mga miyembro ng Kongreso ng Malolos na bumalangkas ng pinakaunang Konstitusyon ng Pilipinas. Ang araw na ito ay isang espesyal na pagkakataon upang sama-sama nating balikan ang kasaysayan at tagumpay ng ating bayan na siyang humubog sa ating pagkakakilanlan bilang isang bansa.
Salamat sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas para sa imbitasyon. Masaya akong makapiling ang mga Bulakenyo sa natatanging araw na ito para sa buong Pilipinas.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Kasaysayan!