Lubos kong ikinararangal na ipagdiwang kasama ng buong komunidad ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang mahalagang okasyon ng kanilang ika-119 na Anibersaryo ng Pagkakatatag.
Ang kanilang tema, “Pagyakap sa Pagbabago, Pagharap sa mga Hamon, at Pagdiriwang ng mga Tradisyon,” ay sumasalamin sa kakayahan ng ating paglalakbay.
Bilang isang four-term na Senador, ako ay walang sawang nagtataguyod ng mga batas at programa na nakapagbibigay ng makabuluhang pagpapabuti sa ating sektor ng edukasyon. Ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ang pagtaas ng pondo para sa mga SUC, at ang mga tulong pinansyal ay ilan lamang sa mga halimbawa ng ating pangako sa pag-aalaga sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Makaaasa kayo na ang ating mga pagsisikap ay hindi matatapos sa pagtiyak ng isang mas magandang kinabukasan hindi lamang para sa ating mga mag-aaral kundi para sa ating bansa sa kabuuan. Patuloy nating yakapin ang pagbabago, harapin ang mga hamon, at pahalagahan ang mga tradisyong sumasalamin sa ating pagka-Pilipino.
Salamat sa PUP para sa pagkakataon na makasama kayo ngayong araw. Panalangin namin na ang inyong unibersidas ay patuloy na maging haligi ng kaalaman, kaunlaran, at pag-asa para sa maraming kabataang Pilipino.