Handong ng Isang unit ng Isuzu Travis van sa St. Joseph Orphanage and Center for the Handicapped, Inc. sa San Jose, Antique

Isang unit ng Isuzu Travis van ang handog natin para sa St. Joseph Orphanage and Center for the Handicapped, Inc. sa bayan ng San Jose. Nang mabalitaan namin ni Congressman AA Legarda na 20 taon na pala nilang ginagamit ang kanilang sasakyan, agad kaming umaksyon para mapalitan ito ng bago dahil mahalaga sa amin ang kaligtasan ng mga batang nasa ilalim ng pag-aaruga ng orphanage at mga namamahala at empleyado nito. May maayos at mabilis ding maisasagawa ng orphanage ang kanilang mga tungkulin at serbisyo para sa mga kabataan dahil sa bagong sasakyan.
Sa malaki o maliit mang pamamaraan, kami po ni Cong. AA ay laging handang tumulong sa inyo sa abot ng aming makakaya.