Handog sa Brgy. Gen. Fullon sa San Remigio

Tuod gid nga ang #SerbisyongLegarda, permi diretso sa tawo!

Iba’t ibang regalo ang handog namin para sa ating mga kasimanwa sa Brgy. Gen. Fullon sa San Remigio. Sa pangunguna ni Cong. AA Legarda, namahagi tayo ng mga grocery package at tig-iisang kilo ng baka sa bawat tahanan. Sa wakas din ay may internet connection na sa barangay matapos tayong mag-install ng Starlink Free WiFi!

Malayo at matarik ang daanan pero hindi ito hadlang upang personal naming mabisita at makumusta ang ating mga kasimanwa. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap ng mga taga-Brgy. Gen. Fullon sa pangunguna ni Brgy. Chairman Noli Maguad. Salamat din kina Mayor Mar Mission at SP Mayella Plameras-Ladislao na sinamahan kami sa pagbisitang ito.

Duro gid nga salamat kag palangga namon kamo Gen. Fullon!