Patuloy ang ating dedikasyon sa pagpapalapit ng serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan.
Nagtungo tayo sa Sto. Tomas, Batangas para sa Groundbreaking Ceremony ng bagong Sto. Tomas City Hall na ating nilaanan ng pondo sa ilalim ng 2024 GAA. Sinuportahan din natin ang pagpapatayo ng ospital sa lungsod at patuloy ang ating pagtulong sa pamamagitan ng DOLE TUPAD at DSWD AICS programs.
Kasama ang mga opisyales ng Batangas sa pamumuno ni Gov. Dodo Mandanas, Cong. Ray Reyes ng ANAKALUSUGAN Partylist at Sto. Tomas Mayor Arth Marasigan, ako’y nagpapasalamat sa isang magandang sorpresa sa paghirang ng lungsod sa inyong lingkod bilang adopted daughter ng Sto. Tomas.
Karangalan ko pong makapaglingkod sa inyo.