Masaya akong maging bahagi ng pagbubukas ng “Kislap-Diwa: 12 Pagtatagpo ng Gunita sa Pamanang Pambansa” eksibit sa Pambansang Museo ng Antropolohiya—isa sa mga paborito kong lugar dito sa Kamaynilaan.
Ang Kislap-Diwa ay isang proyekto na bunga ng aking malikhaing ideya at ng ating Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario. Pumili ng 12 mga makata at 12 mga manlilikha upang makagawa ng eksibisyong hango sa mga bagay noong panahong pre-kolonyal.
Maraming salamat sa Pambansang Komisyon para sa Sining at Kultura, at Pambansang Museo ng Pilipinas para sa inyong walang kapagurang pagtataguyod ng ating makabuluhan at makasaysayang pamana na sumasalamin sa ating lahi at kumikilala sa ating nakaraan.
Inaanyayahan ko ang lahat na bumisita sa eksibisyon na ito na bukas para sa publiko hanggang Pebrero 11, 2024 sa Pambansang Museo ng Antropolohiya sa Lungsod ng Maynila.