DSWD-AICS sa Manuyo Dos, Las Piñas City at DOLE-Kabuhayan sa Lungsod ng Maynila

Ngayong nakaraang linggo ay masayang nagpahatid ng tulong ang #TeamLingkodLoren sa Lungsod ng Las Piñas at Lungsod ng Maynila.

Ang 56 na mga pamilya mula sa Manuyo Dos, Las Piñas City na naapektuhan ng nagdaang sunog ay nakatanggap ng pinansyal na tulong sa pamamagitan ng DSWD-AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations.

Sa Lungsod naman ng Maynila ay matagumpay na nakapagbahagi ng DOLE-Kabuhayan ang #LingkodLoren sa ating mga minamahal na senior citizens. 19 na sako ng mga bigas ang natanggap ng bawat benepisyaryo na kanilang magagamit bilang pagsisimula ng munting negosyo.

Sa lahat ng ating patuloy na natutulungan, hangad namin na magamit ninyo ang tulong pinansyal at pangkabuhayan na mga handog sa pagsisimula muli ng inyong kabuhayan.