DSWD AICS Payout at DOLE TUPAD Orientation sa Nasugbu (Hulyo 20, 2024)

Nagkaroon tayo ng pribilehiyong makiisa sa pagpapaabot ng tulong sa 667 benepisyaryo sa Nasugbu, Batangas sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development. Bukod dito, matagumpay ring naisagawa ng DOLE ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) orientation para sa 420 residente mula sa Barangays Aga, Banilad, Bilaran, Mataas na Pulo, at Wawa sa Nasugbu, Batangas. Sampung (10) mga Persons with Disabilities (PWDs) din ang nakatanggap ng kanya-kanyang wheelchair na malaking tulong sa kanilang pangaraw-araw na gawain.
Nakatutuwang makita kung paano ang mga inisyatibong ito ay tunay na nakatutulong sa ating mga komunidad. Asahan ninyo ang ating patuloy na paglilingkod sa bawat mamamayan nang may dedikasyon at pagtiyak na ang tulong ng gobyerno ay umaabot sa bawat Pilipino na nangangailangan nito.