DSWD-AICS Distribution sa Mandaue City, Cebu

Tayo po ay nagpahatid ng tulong sa Mandaue City, Cebu para sa mga pamilya na naapektuhan ng sunog. Kasama si Mayor Jonas Cortes at Department of Social Welfare and Development (DSWD), tayo ay nakapagbigay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

515 mga benepisyaro ang nakatanggap ng AICS. Dalangin namin na nakapaghatid ito ng tulong sa mga pamilya na kasalukuyang dumadaan sa isang pagsubok.