DSWD-AICS Distribution sa Brgy. Tatalon, Quezon City

Ang Team Lingkod Loren ay nagpahatid ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng sunog sa Brgy. Tatalon, Quezon City.

Ang 143 benepisyaryo ay nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Hangad namin na sa pamamagitan nito ay maibsan ang pangamba at pag-aalala ng mga taga-Brgy. Tatalon.

Tuloy-tuloy ang Team Lingkod Loren sa pagbibigay ng assistance sa ating mga kababayan na agarang nangangailangan ng tulong.