Sunud-sunod na DOLE-Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program payout ang isinagawa ng Team Lingkod Loren sa probinsya ng Rizal!
Noong July 17 ay 593 mga benepisyaryo mula sa unang distrito ng Rizal ang nakatanggap ng pinansyal na tulong. Sa parehong araw, 84 na mga benepisyaryo ang naging bahagi ng DOLE-TUPAD payout na mula naman sa munisipalidad ng Tanay sa ikalawang distrito ng lalawigan matapos ang kanilang community work gaya ng paglilinis ng mga kalsada at pagtatanim ng mga puno.
Ang Team Lingkod Loren ay hindi mapapagod sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan na dumadaan sa pagsubok sa buhay. Narito po kami handang umalalay sa inyo!