Ang Team Lingkod Loren at DOLE ay namahagi ng tulong pinansyal sa Santa Maria, Bulacan sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) payout noong Agosto 16.
177 benepisyaryo mula sa ika-anim na distrito ng Bulacan ang nakatanggap ng tulong pinansiyal. Ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t ibang sektor tulad ng tricycle drivers, construction workers, mananahi, at labandera. Bukod dito, nagsagawa din ng isa pang orientation tungkol sa DOLE TUPAD program sa 195 benepisyaryo mula sa Guiguinto, Bulacan.
Ang DOLE TUPAD ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Team Lingkod Loren na magbigay ng suporta at pag-asa sa mga komunidad na nangangailangan ng agarang tulong.