DOLE-TUPAD Distribution sa Ilocos Norte at Surigao Del Norte

Ang paghahatid ng tulong ng #LingkodLoren sa pamamagitan ng DOLE-TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay nakarating sa Luzon at Mindanao.

Sa mga bayan ng Banna, Badoc, at Dumalneg sa Ilocos Norte, 408 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng pinansyal na tulong matapos nilang matapos ang community works.

Sa Surigao Del Norte ay matagumpay ding nakapagsagawa ng DOLE-TUPAD payout sa mga bayan ng Socorro at San Benito. Nasa kabuuang 232 ang naging benepisyaryo mula sa mga bayang ito.

Patuloy ang #LingkodLoren sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan upang maibsan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin.