DOLE-Kabuhayan Sampaguita Planting Activity

Ang #TeamLingkodLoren ay nagtungo sa San Pedro, Laguna para sa pagtatanim ng Sampaguita seedlings na naibigay sa mga benepisyaryo ng DOLE Kabuhayan. 55 mga miyembro mula sa organisasyon ng “Ating Muling Buhayin ang Sampaguita sa San Pedro” ang nagtanim ng 4,400 Sampaguita seedlings sa mga barangay ng Langgam, GSIS, at Sampaguita.
Ang maaaning mga bulaklak ang siyang mapagkukunan ng pagkakakitaan ng ating mga kababayan sa San Pedro, Laguna.
Tuloy-tuloy lang po ang #TeamLingkodLoren sa paghahatid ng tulong at serbisyo!