DOLE-Kabuhayan Distribution sa Quezon City

Lubos ang aking kaligayahan na makita ang mga ngiti sa mukha ng mga tiga- Quezon City dahil sa ating DOLE- Kabuhayan distribution!
1,100 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng Bigasan package kung saan bawat isa ay nakakuha ng 13 mga sako ng bigas. Dagdag pa rito ay 300 mga benepisyaryo din ang nakatanggap ng tig-isang set ng high speed sewing machine at edging machine.
Kasama si Mayor Joy Belmonte at Councilor Mikey Belmonte, hangad namin na mapalago ng mga benepisyaryo ang mga munting negosyo na ito. Sana ay makatulong ito sa inyong pangaraw-araw na gastusin at makapagdulot ng ginhawa sa inyong mga pamilya.
Maraming salamat sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa palagiang pakikipagtulungan upang maipahatid natin ang mga pampublikong programa sa ating mga kababayan.
Nandito ang inyong Senadora para patuloy na maglingkod at tumulong sa mga ina at ama ng tahanan, mga kababaihan, mga kapuspalad at mga kababayan na nangangailangan ng tulong. ?