Distribution of Government-funded Projects sa Patnongon

Patuloy ang pagbuhos ng bulig sa ating mga kasimanwa. Matapos nating mapasaya ang mga Antiqueño sa Norte ay naghatid naman tayo ng magandang balita sa mga munisipalidad sa Central na kinabibilangan ng Patnongon, Laua-an, Valderrama, Bugasong, at Belison.
Ilan lamang sa mga proyektong naipamahagi ay ang DOLE Kabuhayan at DOLE TUPAD, multipurpose buildings at community hospital, assistance para sa salt producers, mga FRP boats, wheelchairs, at DSWD AICS.
Maliban dito ay namigay din tayo ng kits na aking personal na regalo sa ating Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutritional Scholars (BNS).
Ang makita ang mga ngiti sa ating mga kasimanwa ay walang kapantay na kaligayahan sa akin dahil ang ibig sabihin lamang nito ay nagagampanan ko nang tama ang aking tungkulin bilang inyong kinatawan sa Senado. Sa paglaganap at paglago ng mga proyektong ito, maaasahan ng mga Antiqueño ang kinabukasan na puno ng mga bagong oportunidad at patuloy na kasaganaan para sa ating probinsya ng Antique. ?