Distribution of Government-funded Projects – Pandan, Antique

Kasama ang aking bugto na si Cong. AA Legarda, binisita namin ang hilagang bahagi ng Antique upang magbigay ng mga bulig at ipamahagi ang pondong inilaan natin para sa iba’t ibang proyektong tiyak na magpapaunlad sa kabuhayan at kalagayan ng ating mga kasimanwa.
Kasama ang masisipag na mayor ng Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza, at Caluya, kami ay nagkaroon ng distribution ng iba’t ibang government-funded programs.
Tinanggap nila ang funding sa mga proyekto kabilang ang DOLE Kabuhayan, DOLE-TUPAD, DSWD-AICS, wheelchairs, at Fiber Re-enforced Plastic (FRP) boats at mga marine engines para sa mga mangingisda.
Batid ko rin ang hirap ng ating barangay health workers at barangay nutrition scholars sa pagbibigay ng basic health services sa ating mga kasimanwa. Bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo at dedikasyon, nagbigay po tayo ng kits bilang personal na tulong ng inyong Inday Loren.
Makasarig kamo sa padayon nga pagpalangga kag pag-ulikid kang inyo Inday Loren. Magapadayon ang pag-abot kang mga government projects kag assistance para sa ikamayad kang kada Antiqueño kag kang atun pinalangga nga Antique.