Buong puso kong ipinagmamalaki ang desisyon ng aking anak na si Leandro Legarda Leviste na tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Batangas. Bilang isang matagumpay na negosyante, nagpakita siya ng malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng renewable energy sector, at ngayon, nais niyang palawakin ang kanyang kontribusyon sa publiko. Lubos kong sinusuportahan ang kanyang pangarap na mapaunlad ang Unang Distrito ng Batangas upang makasabay sa pag-unlad ng ibang mga lugar sa bansa.
Naniniwala ako sa kakayahan, sipag at adbokasiya ni Leandro na isulong ang masiglang ekonomiya at ilapit ang mga kailangang programa ng edukasyon at kalusugan sa mga nasa laylayan sa Batangas. Napatunayan na niya ang kanyang galing sa negosyo, at sa pribadong sektor, at sigurado akong magagamit niya ito upang pagsilbihan ang mga mamamayan ng Batangas. Ang kanyang pangarap para sa Batangas ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maunlad na hinaharap para sa mga BatangueƱo ng Unang Distrito.