COC filing of Congressman AA Legarda (October 01, 2024)

Bilang isang lingkod bayan, ang pangunahin nating adhikain ay ang kapakanan at pangangailangan ng ating mga kasimanwa.

Buong suporta ang aking ibinibigay sa muling pagtakbo ng aking kapatid na si Congressman AA Legarda bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Antique. Sa kanyang liderato, panatag akong nasa mabuting kalagayan ang ating probinsya, naipagpapatuloy ang mga programa at proyektong ating isinusulong, at nabibigyan ng agarang pansin ang mga pangangailangan ng ating mga kasimanwa lalo na sa kalusugan, edukasyon, at kabuhayan.

Sa dedikasyon at tapat na paglilingkod ni Cong. AA Legarda, Padayun ang Kampyon kag Sinsero nga Serbisyo, Diretcho sa Tawo.

Kasama ninyo ako sa pagbibigay ng buong tiwala kay Cong. AA para sa mas mas maunlad na kinabukasan ng ating lalawigan.