Ceremonial Signing of Tatak Pinoy Act (R.A. 11981) and Expanded Centenarians Act (R.A. 11982)

Panalo ang Pilipino!
Dalawang mahahalagang panukalang batas ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw!
Kasama sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senator Sonny Angara, Senator Imee Marcos, at iba pang mga kapwa ko senador at mga kasamahan sa House of Representatives, sinaksihan namin ang paglagda sa:
– Republic Act No. 11981 o ang Tatak Pinoy Act na magpapalakas sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga industriya na lumikha ng mga lokal at world-class na produkto; at
– Republic Act No. 11982 o ang Expanded Centenarians Act na nagpapalawig sa pagbibigay ng cash incentives sa mga Pilipinong may edad na 80, 90 at 100.
Bilang co-author at co-sponsor ng Tatak Pinoy Act, at co-author ng Expanded Centenarians Act, lubos ang aking kasiyahan sa mga panibagong serbisyong matatanggap ng ating mga kababayan. Sa inyong patuloy na kooperasyon, pagtitiwala at suporta, tiyak na mas marami pa tayong batas na magagawa para sa pagpapaunlad ng ating kabuhayan at kinabukasan. ??????