Buhay na Dunong: Bukal ng Sining – Schools of Living Traditions Exhibit

Sa pamamagitan ng Schools of Living Traditions (SLTs), ang mga tradisyunal na kasanayan at kaalaman ay naipapamana natin sa bagong henerasyon, na siyang susi sa pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Kaya naman masaya kong inikot sa gallery ng Metropolitan Theater ang ‘Buhay na Dunong: Bukal ng Sining’ Schools of Living Traditions exhibit, kung saan itinatampok ang mga tela, kasuotan, at iba pang kagamitang likhang-kamay ng ating artisans at cultural masters mula sa iba’t ibang SLTs sa ating bansa.
Inaanyayahan ko kayong bisitahin ang exhibit sa Metropolitan Theater, Ermita, Manila hanggang Pebrero 29, 2024.