Barangay Kabuhayan Seminar sa Lian, Batangas

Mahalaga ang gampanin ng bawat barangay lider sa ating pamayanan kaya noong nakaraang Sabado, masaya tayong nagdaos ng isang Barangay Kabuhayan Seminar para sa probinsya ng Batangas para sa mga pamahalaang lokal ng Balayan, Calatagan, Lian, Nasugbu, at Tuy.

Layon nito na masigurong alam at naiintindihan ng mga pinuno ng komunidad ang mga programa ng gobyerno na maaaring ibahagi at mapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan gaya ng DOLE Kabuhayan, DOLE TUPAD, DTI Shared Service Facilities, at DSWD Sustainable Livelihood Program na matagal ko nang sinusuportahan.

Patuloy po nating sisiguraduhing hindi mapag-iiwanan ang mga BatangueƱo sa bawat programa ng pamahalaan. Ako po ay inyong katuwang sa patuloy na pamamahagi ng mga benepisyo ng gobyerno.