Ginakalipay ko gid ang makabalik sa aking pinalangga nga probinsya ng Antique at maging bahagi ng Banigan Festival sa bayan ng Libertad.
Ipinagdiriwang sa masayang pagtitipong ito ang kahanga-hangang angking likha at talento ng tunay na mga bituin ng pista – ang mga taga-likha ng banig.
Ang kanilang dedikasyon sa tradisyong ito ay kitang-kita sa maraming nakamamanghang produktong gawa sa banig. Sila rin ay kabilang sa mga Micro, Small, at Medium Enterprises na ating patuloy na sinusuportahan. ?
Duro gid nga salamat kay Mayora Mary Jean Te ng Libertad sa pag-imbita sa akin na magdiwang kasama ang ating mga kasimanwa sa Libertad.
Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing magandang paalala sa katalinuhan, tiyaga, at husay na naipasa sa mga henerasyon at ng aking walang patid na pagsisikap na mapanatili ang katutubong kaalaman at kultura ng ating bansa.
Ang inyo Inday Loren kaimaw ang akun bugto Congressman Aa Legarda, hindi gid magataka nga magbulig, kag magtugro kang bulig para sa ikamayad kag ikaugwad kang kada Libertadnon kag kang bilog nga probinsya.