Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Distribution in Tagaytay City

Ang #TeamLingkodLoren ay nagsagawa ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) payout sa mga benepisyaryo mula sa Tagaytay City. 332 ang nakatanggap ng AICS payout.
Ito ay isang programa, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan tayo ay nakapagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga displaced, marginalized at indigent na Pilipino na kasalukuyang nangangailangan ng tulong.
Gayundin ay 8 benepisyaryo ang nakatanggap ng mga paninda, sewing machine, at ibang equipment sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Kabuhayan na kanilang magagamit sa pagsisimula ng kani-kanilang munting negosyo.
Salamat kay Mayor Bambol Tolentino para sa pakikipagtulungan at sa isang matagumpay na AICS Payout at DOLE Kabuhayan distribution.