AICS Distribution sa Muntinlupa City at sa Nueva Ecija

Sunud-sunod na AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations Payout ang isinagawa ng #TeamLingkodLoren ngayong linggo!

Sa Muntinlupa City, 1,003 mga pamilya na nasunugan ang nakatanggap ng agarang tulong pinansyal katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Gayundin, sa Nueva Ecija ay 1,333 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng AICS.

Bakas sa mga mukha ng ating mga kababayan ang kagalakan sa pagtanggap ng tulong na labis nilang kailangan. Tuluy-tuloy po ang paghahatid ng tulong ng ating #TeamLingkodLoren sa ating mga kababayan na dumaraan sa pagsubok.