Kami po ay nagagalak sa pronouncement ng COMELEC na itigil na ang pagtanggap sa mga distrito ng lagda ukol sa kumakalat na pekeng People’s Initiative.
Hindi po registration form para sa pagboto o pagtanggap ng ayuda ang pinapapirmahan sa inyo kundi pag-amyenda sa Konstitusyon na maaaring magdulot sa pagkabuwag ng Senado, ang isa sa dalawang sangay ng Kongreso. Huwag po ninyong hayaang lokohin at pagsamantalahan ang inyong karapatan.
Sisiguruhin ng inyong Senado na mananaig ang kapakanan ng mamamayang Pilipino.