Matagumpay nating isinagawa ang 2024 Advocacy Trail Run to End Violence Against Women sa Brgy. Solong, Sibalom. Isang programa na hindi lamang nagtatampok ng trail running bilang isang inklusibong sport, kundi nagsisilbing panawagan sa lahat upang labanan ang karahasan laban sa kababaihan, isang hakbang patungo sa VAW-free tourism industry.
Bilang inyong Inday Loren, katuwang ang aking bugto na si Congressman AA Legarda, buong puso nating sinuportahan at pinondohan ang kaganapang ito.
Nakatutuwang makita ang 131 kalahok na buong sigasig na tinapos ang 8K at 16K categories, na nagpakita ng kanilang dedikasyon sa adbokasiya ng programang ito.
Nagpapasalamat tayo sa Department of Tourism at Iraya Adventure Group sa kanilang pakikiisa upang gawing matagumpay ang aktibidad na ito.
Ang inyong lingkod ay naniniwala na ang pagpapalakas ng turismo ay isang daan upang maitaguyod ang ligtas, inklusibo, at maayos na komunidad para sa lahat, lalo na para sa ating mga kababaihan.
Padayun kita nga magdaalgan para sa masanag nga buwas-damlag. Patuloy tayong tatakbo tungo sa isang maliwanag na kinabukasan.