Ika-110 na Anibersaryo ng Pagkakatatag at Ika-20 Pahinis Festival ng bayan ng Laua-an sa Antique (Enero 27, 2025)

Ako’y natutuwa na makiisa sa ika-20 Pahinis Festival ng bayan ng Laua-an sa Antique. Habang ginugunita natin ang ika-110 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Laua-an, naaalala ko ang katatagan at dedikasyon ng ating mga ninuno at mga pamana na patuloy nating pinangangalagaan para sa susunod na henerasyon. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kultura at mga lokal na industriya tulad ng muscovado sugar at asin na patunay ng sipag at talino ng ating mga kababayan.
Sa pamamagitan ng mga proyekto sa imprastraktura, kabuhayan, at tulong sa panahon ng sakuna, patuloy ang ating pasisikap na mapabuti ang buhay ng bawat Antiqueño. Nawa’y magbigay-inspirasyon sa atin ang Pahinis Festival upang ipagpatuloy ang pangangalaga sa ating pamana, suportahan ang ating lokal na industriya, at magkaisa para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating probinsya. Maligayang Pahinis Festival sa lahat!