Panubason Festival sa Valderrama, Antique

Sa huling araw ng taunang Panubason Festival sa Valderrama, Antique, matagumpay nating isinagawa ang Panguyang sa Plaza kung saan ipinagdiwang natin ang masarap at masaganang pagkain, ang kasipagan at pagkakaisa ng ating komunidad, at lalo pang pagpapaunlad ng Antique.

Kabilang sa ating mga proyekto sa Valderrama ay ang construction ng Panay East-West Road at pagbibigay ng suporta sa Iraynun-Bukidnon Indigenous Peoples mula sa Barangay San Agustin.

Nakipagtulungan din tayo sa iba’t ibang ahensya tulad ng DSWD para sa financial assistance, DOLE para sa tulong pangkabuhayan, TESDA para sa mga training, DTI para sa shared services facilities, DepEd at DOH para sa imprastrakturang pang-edukasyon at pang-medikal.

Ngayong taong 2025 ay dadagdagan natin ang tulong sa Valderrama. Itutuloy ang pagsasagawa ng flood control structure (Phase 2) sa kahabaan ng Cangaranan River at ang Multipurpose Building sa Barangay Takas, Valderrama. Magbibigay rin tayo ng educational assistance para sa mga mag-aaral ng Higher Educational Institutions na walang scholarships.

Kasama ang aking kapatid na si Congressman AA Legarda, layunin naming mapaunlad ang buhay ng bawat Antiqueño para sa mas masigla at mas luntiang Antique! Magpapatuloy ang Lingkod Legarda sa pagsusulong ng mga proyektong magpapalakas sa Valderrama, dahil ang Serbisyong Legarda Diretso Sa Tawo.