Tunay na kahanga-hanga kung paano pinagbubuklod ng musika, kultura at talento ang ating mga kasimanwa na nagbigay-liwanag sa yaman ng sining ng Antique. Maraming salamat kay Anya Lagman sa pakikipagtulungan sa akin para sa konsyertong ito at pagbabahagi ng kanyang talento lalo na ang kanyang komposisyon para sa akin na ‘Our Bright Star.’
Lubos din ang aking pasasalamat sa natatanging pagtatanghal ng University of Antique Chorale, Pandan Bay Youth Band, at Antique National School Harmonic Choir. Pinuno ninyo ng saya at karangalan ang Antique sa pamamagitan ng inyong musika.
Simula pa lamang ito ng marami pang konsyertong magpapamalas ng inyong talento sa musika. Tutulungan namin ng aking kapatid na si Cong. AA ang bawat kabataan sa lahat ng 590 barangay ng Antique na nagnanais umangat sa buhay at magningning hindi lamang sa ating probinsya, sa Visayas, at sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Duro-duro gid nga salamat. Palangga namun kamo!