Tuluy-tuloy ang ating Serbisyo Diretso Sa Tawo!
Mayad nga balita! Sa wakas ay nagkaroon na ng internet ang barangay Gen. Luna sa bayan ng San Remigio. Kaimaw ang aking bugto na si Congressman AA Legarda, nag-install ang ating opisina ng Starlink WiFi connection upang mailapit ang ating mga kasimaryo sa iba pa nating mga kasimanwa.
Kami ay nagagalak na magagamit nila ang internet connection na ito para sa pag-aaral ng mga estudyante, kanilang kabuhayan, at komunikasyon sa kanilang mga pamilya na nasa ibang lugar.
Sa pangunguna ni Cong. AA, personal din tayong namahagi ng food packs sa mga pamilya ng Brgy. Gen. Luna.
Maraming salamat sa ating mga kasimanwa sa Brgy. Gen. Luna, SP Maye Plameras at Mayor Mar Mission Jr. para sa pagsama sa amin sa pagbisitang ito, kung saan napag-usapan natin ang mga pangangailangan pa ng mga residente.