Inauguration ng bagong Olympic-sized swimming pool sa University of Antique (Enero 12, 2025)

Olympic-sized swimming pool sa University of Antique ganap nang pinasinayaan!
Ito ay bilang pagtupad namin sa aming pangako noong 2023 na pagtatayo ng isang state-of-the-art swimming pool para sa ating mga kabataang kasimanwa. Maaari na itong magamit ng bawat estudyante ng University of Antique upang makadagdag sa kanilang abilidad at kakayanan. Deserve ng bawat batang Antiqueño ang isang dekalidad na edukasyon.
Ang pool na ito ay mayroong haba na 50 meters, may lalim na 2 meters, at 10 lanes—ang pinakamalaki sa buong Panay!
Kasama ang aking bugto na si Cong. AA Legarda, tuloy-tuloy ang aming pagseserbisyo para paunlarin ang kinabukasan ng bawat Antiqueño!