Kasama ng aking bugto na si Cong. AA Legarda, kinumusta namin ang masisipag na kapitan ng barangay ng Tibiao noong nakaraang linggo. Narinig namin ang mga konkretong epekto ng ating mga proyekto at ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan para tugunan ang pangangailangan ng ating mga komunidad.
Napakaimportante na makinig sa mga saloobin na ibinahagi ng mga kapitan dahil sila ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng pamahalaan at publiko upang matiyak na ang mga pangunahing serbisyo ay makararating sa bawat sulok ng Tibiao. Umaasa ako na ang aming mga napag-usapan ay magdudulot ng konkretong aksyon para hindi lamang mapabuti ang buhay ng mga residente ng Tibiao kundi pati na rin ng buong Antique.