Pagbisita sa St. Joseph Orphanage and Center for the Handicapped, Inc. sa San Jose, Antique (Enero 08, 2025)

Nakakaantig ng puso ang mga batang nasa ilalim ng pangangalaga ng St. Joseph Orphanage and Center for the Handicapped, Inc. sa bayan ng San Jose noong binisita ko sila noong Miyerkules. Hindi ko malilimutan ang awiting inalay nila na nakapagpaluha sa akin. Sa mga sandaling iyon, lubos kong napagtanto na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, napakaraming dahilan upang magpatuloy, magbigay, at magmahal. Ang kanilang mga mata ay puno ng pag-asa, at ang kanilang mga kuwento ay nagbibigay-inspirasyon sa akin na mas lalong magsumikap para sa kapakanan ng mga nangangailangan.

Maraming salamat sa mga namamahala sa St. Joseph Orphanage para sa pangangalaga ninyo sa mga batang ito. Kami po ni Cong. AA Legarda ay handang maghatid ng tulong sa inyo anumang oras. Sama-sama nating itaguyod ang mas maliwanag na kinabukasan para sa kanila. Tunay na walang maliit na tulong kapag ito ay nagmumula sa pusong nagmamalasakit.