Nagkaroon ako ng pagkakataong makipagpulong sa ating mga lider at kinatawan ng komunidad sa Tobias Fornier para pag-usapan ang mga kasalukuyan at paparating na programa para sa bayan. Tinalakay namin ang mga allowance para sa barangay officials, programa para sa pagkain ng mga senior citizens at iba pang sektor, at suporta sa mga barangay na nagtagumpay upang mapabuti ang lokal na pamamahala.
Pinagtuunan din namin ng pansin ang mga prayoridad na proyekto sa imprastruktura tulad ng farm-to-market roads, pag-aayos ng sistema ng tubig, health stations, at mga hakbang sa kahandaan sa sakuna tulad ng planong mga evacuation center sa ilang mga lugar. Kasama rin sa agenda ang mga serbisyo sa kalusugan upang matiyak na ang bawat barangay ay may sapat na resources para tugunan ang pangangailangan ng kanilang komunidad.
Padayon kita nga magaduso kang mga programa para sa pag ugwad kang pungsod kag pagpalig-on kang atun probinsya. Duro pa kita mahimo kag malab-ot para sa Tobias Fornier Antique-magbinuligay kita para sa mas mainuswagon nga paarabuton.