Meet with Barangay Chairmen of Anini-y, Antique (Enero 05, 2025)

Kinumusta namin ng aking kapatid na si Cong. AA Legarda ang barangay captains ng Anini-y sa Antique upang alamin ang estado ng ating mga programa at proyekto sa bayan. Inalam din natin ang mga pangangailangan pa ng ating mga kasimanwa doon.

Kabilang sa aming napag-usapan ay ang pagsasaayos ng multipurpose building sa Barangay Salvacion na nasira ng bagyong Odette noong 2021. Ipapaayos din natin ang daan mula Tagaytay papuntang Igtumarom hanggang San Ramon, at ang daan mula Mabuyong papuntang Igbarabatuan.

Patuloy naman ang ating programa para sa mga kababayan nating katutubo sa Anini-y at magbibigay tayo ng kabuhayan sa bawat pamilya.

Duro pa ang atun gusto maubra para sa mga taga anini-y, kag man’an ko nga malab’ot natun tanan dya sa bulig kag pagpanguna ni Congressman AA. Sa atun pag binuligay malab’ot natun ang isara ka progresibo kag manggadan nga Antique.