Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Ngayong araw, ating naipamahagi ang mga Christmas packages sa mga barangay ng Sebaste – Aguila, Poblacion at Callan. Ito ay munting Pamasko mula sa inyong Senadora Inday Loren Legarda at Congressman AA Legarda, kasama si Mayor January Padapad.
Sa bawat ngiti at pasasalamat na aming natanggap, lalo naming nararamdaman ang tunay na diwa ng Pasko: ang pag-abot sa isa’t isa.
Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap at patuloy na tiwala. Kayo ang inspirasyon naming magkapatid upang ipagpatuloy ang Serbisyo diretso sa Tawo. Sama-sama nating ipagdiwang ang Paskong puno ng pag-asa at pagmamalasakit!