Malugod kong sinusuportahan ang Foreign Study Mission on Smart and Sustainable Cities and Communities sa ilalim ng AGILE (Adaptive Governance and Innovation for Local Executives) Program kasama ang Development Academy of the Philippines (DAP).
Layon ng mission, na kasaluluyang ginaganap sa prestihiyosong Lee Kuan Yew School of Public Policy sa National University of Singapore, na mapalawig ang kaalaman at exposure ng mga kalahok, kabilang ang local chief executives mula sa mga probinsya ng Antique at Aklan tungo sa isang sustainable, modernisado at progresibong pamumuno.
Bilang isang lifelong advocate ng innovation at sustainability, umaasa ako na ang mga aral at inspirasyon na mapupulot nila mula sa misyong ito ay mag-aambag at magbubunga sa tuluy-tuloy na paglago ng kanilang mga nasasakupan.