Noong Oktubre 13, ginunita natin ang ika-45 anibersaryo ng kamatayan ni Justice Calixto O. Zaldivar, isang huwarang lingkod-bayan na nagtaguyod ng integridad at hustisya. Sa bawat desisyon at aksyon niya, pinatunayan niya ang halaga ng pagsisilbi nang tapat at may malasakit. Hindi lamang siya isang haligi ng batas, kundi isa ring inspirasyon sa bawat Antiqueño.
Bilang kanyang pamangkin, baon ko ang mga aral at halimbawa ng kanyang buhay, at patuloy kong isasabuhay ang mga ito—para sa isang makatarungan at luntiang Pilipinas. Sama-sama tayong magpatuloy sa adhikain niyang itaguyod ang hustisya at kabutihan para sa bayan.