Ngayong araw, isinagawa natin ang Himig Himbing Workshop sa University of Antique-Sibalom campus. Ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpreserba ng ating mga katutubong himig at sining, na may layuning ipamana ang yaman ng kulturang Pilipino sa mga susunod na henerasyon.
Ang dalawang workshop na isinagawa ay ang: “Rumorolyang Himig: Film Poetry Workshop” na nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataang matutunan ang sining ng pelikula bilang isang makapangyarihang paraan ng pagpapahayag, at ang “Himig Himbing at Ako,” isang workshop na nagbubuklod ng Musika, Panitikan at Sining, na idineseniyo para sa mga magulang, guro, social workers at iba pa upang palakasin ang kanilang papel sa pagpapaunlad ng kultura sa kanilang komunidad.
Naging matagumpay ang workshop na ito dahil sa pakikipagtulungan ng aking opisina, opisina ng aking kapatid na si Cong. AA Legarda, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP). Sama-sama nating itaguyod ang ating mayamang sining at kultura upang masiguro na ito ay mananatiling buhay at aktibo para sa mga susunod pang henerasyon.