Ang inyong Inday Loren at ang aking bugto na si Cong. AA Legarda ay patuloy na sumusuporta sa ating mga kasimanwang nasalanta ng pag-ulan at pagbaha.
Namahagi tayo ng 100 food packs sa mga mangingisda sa bayan ng San Jose, Antique. Ang mga food packs na ito ay tulong para matugunan ang kanilang pangangailangan habang unti-unti nilang binubuo muli ang kanilang kabuhayan at tahanan.
Hindi kami mapapagod sa pagtulong, kasama ninyo kami sa bawat hakbang tungo sa mas matatag na kinabukasan.