Serbisyo Legarda Distribution ng Food Packs at Construction Materials sa Brgy. Guinbangga-an, Laua-an, Antique

Patuloy ang ating pagtulong sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.
Sa pakikipagtulungan ng inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda, namahagi tayo ng family food packs sa 350 pamilya sa Brgy. Guinbangga-an, bayan ng Laua-an. Bukod pa rito, nagbigay din tayo ng construction materials para sa 19 na pamilyang lubos na naapektuhan ang kanilang mga tahanan.
Sama-sama nating itinatayo muli ang ating komunidad—para sa mas ligtas at mas matatag na bukas.