Blessing at turnover ng dalawang vans sa Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa San Jose, Antique (Setyembre 18, 2024)

Ang inyong Inday Loren, kasama ang aking bugto na si Cong. AA Legarda, ay masayang ipinagkaloob ang matagal nang hinihiling ng ating mga pari mula sa Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa San Jose, Antique.
Noong Setyembre 18, naisakatuparan ang blessing at turnover ng dalawang Hi-Ace vans sa simbahan. Matapos ang mahabang panahon, natugunan na rin ang kahilingan ng ating simbahan para sa mas madaling mobilisasyon ng kanilang mga gawain at serbisyo.
Patuloy tayong makikipagtulungan para sa ikabubuti ng ating komunidad, upang mas mapalawak pa ang abot ng mga serbisyo ng ating simbahan. Sama-sama nating isusulong ang mga inisyatibang magpapaunlad sa ating mga kasimanwa at ating probinsya.