Serbisyo Legarda Distribution ng Bigas at Food Packs sa Ilan mga Barangay sa Tobias Fornier, Antique (Setyembre 18, 2024)

Sa layuning agad na makatulong sa ating mga kasimanwa, ang inyong Inday Loren at aking bugto na si Cong. AA Legarda ay mabilis na umaksyon upang tugunan ang pangangailangan sa Tobias Fornier.
Mula sa personal na tulong ng inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda, namahagi tayo ng 42 packs ng bigas at 42 food packs sa Brgy. Masayo. Sa Brgy. Villaflor, naipamahagi ang mga pangunahing pangangailangan sa 35 pamilya, habang sa Brgy. Poblacion Norte, 86 pamilya ang nakatanggap ng food packs. Salamat din sa DSWD para sa kanilang mga ibinahaging food packs.
Ang ating pag-aalaga at pagkakaisa ay nagbibigay lakas sa ating komunidad. Sama-sama tayong magtulungan upang mapanatili ang pag-asa at tagumpay sa kabila ng mga pagsubok