Sa gitna ng kalamidad, sinisigurado nating maabot ang bawat Antiqueño na nangangailangan ng suporta at tulong.
Ang inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda ay namahagi ng 100 food packs para sa mga pamilyang naapektuhan sa Guinbanggaan, bayan ng Laua-an. Hindi namin kayo pababayaan, at patuloy kaming magbibigay ng kinakailangang tulong upang maibsan ang inyong mga pangangailangan.
Ang malasakit at serbisyo ay mananatiling buo para sa bawat Antiqueño. Kasama ninyo kami sa bawat hakbang ng inyong pagbangon.