Tuloy-tuloy pa rin ang bulig para sa tanan!
Ang inyong Inday Loren at Cong. AA ay agarang nagbigay ng tulong sa ating mga kasimanwang naapektuhan ng malakas na ulan at baha.
Ngayong araw, namahagi tayo ng 100 food packs sa mga mangingisda sa coastal area ng Brgy. Funda Dalipe at 56 food packs sa coastal area ng Brgy. 4, San Jose. Namigay din tayo sa mga displaced families mula sa barangay Malaiba ng 21 food packs. Ang bawat food pack ay naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan upang makatulong at maibsan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Patuloy ang ating agarang aksyon upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Sama-sama nating itaguyod ang pagkakaisa at malasakit sa ating probinsya.