Sa kabila ng hamon, hindi tayo tumitigil sa pagbibigay ng suporta sa ating mga kasimanwang nangangailangan ng tulong.
Noong Linggo, namahagi tayo ng 2,705 food packs at 200 sleeping kits mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), at hygiene kits mula sa Department of Health (DOH) sa mga bayan ng Pandan, Anini-y, Tobias Fornier, San Jose, Sibalom, San Remigio, Belison, at Valderrama. Layunin natin na masiguro na ang bawat pamilya ay may makain at matutulugan sa panahon ng sakuna.
Samantala, mula Sabado patuloy ang personal na tulong ng inyong Inday Loren at Cong. AA. Nagbigay tayo ng bigas at groceries sa 2,896 na pamilya sa mga bayan ng Bugasong, Laua-an, Barbaza, Tibiao, Sebaste, Culasi, Pandan, Libertad, San Jose, Hamtic, Anini-y, at Sebaste. Dalangin namin na nakapaghatid ito ng ginhawa sa ating mga kasimanwa.
Kasama ng aking kapatid na si Cong. AA Legarda, kami ay laging handa at maagap sa pagtugon sa inyong mga pangangailangan. Narito kami sa kahit anong kalamidad na inyong pagdadaanan.
Makasarig kamo nga sa oras kang kalisud, rugya kami handa mag unong kaninyo, kag magatugro kang serbisyo nga diretso sa tawo.